Home » News » Local » May-ari ng canteen binaril sa QC

May-ari ng canteen binaril sa QC

Sugatan ang may-ari ng canteen ng barilin siya ng dalawang armadong lalakeng sakay ng motorsiklo sa Barangay Holy Spirit, Quezon City noong Sabado ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Jomar Pallado ng Quezon City Police District Station 6, naglalakad ang biktimang si Andres Gonzales, 60, nang dumating ang mga suspek at barilin ito ng tatlong beses sa katawan. Tumakas ang mga suspek na nakasuot ng itim na bonnets at polo shirts samantalang dinala ang biktima ng kanyang pamiliya sa Far Eastern University Hospital sa Fairview, Quezon City.

Samantala, natagpuang patay ang isang construction worker man sa loob ng isang ginagawang bahay sa Champaca St., Roxas District, Quezon City kahapon. Kinilala ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Ramil Caagbay, 30, walang asawa, at residente ng San Lorenzo, Mauban, Quezon.

Dinala ang bangkay ng biktima na hinihinalang namatay sa bangungot sa Pacheco Funeral Homes sa Quezon City. (Vanne Elaine P. Terrazola and Francis T. Wakefield)

comments