Home » News » Local » Pooh to pal Angelica: Try looking for love outside showbiz

Pooh to pal Angelica: Try looking for love outside showbiz

MAKAHULUGAN ang naging mensahe at wish ng komedyanteng si Pooh para sa kanyang kaibigan at Banana Sundae co-star na si Angelica Panganiban. May kinalaman kasi ito sa love life ng aktres.

“Ang message ko lang para sa kanya, sana makakita na siya ng (lalaking) para sa kanya talaga. Dumating na sa kanya ’yung masasabi niyang magiging family niya.

Magkakaroon siya ng mara-ming makukulit na bata. At masasabi niyang for life ang magiging pamilya niya, ’yun na lang naman ang kulang sa iyo. At sana, sana hindi na showbiz (si Mr. Right). Try mo sa iba, try mo sa labas,” sabi ni Pooh nang mag-guest sila ni Angelica sa “Magandang Buhay” ng ABS-CBN noong April 21.

Pawang mga artista kasi ang naging boyfriend ni Angelica. Huling nakarelasyon niya si John Lloyd Cruz, na kamakailan lang ay kinumpirmang wala na sila ni Angelica at single na ulit siya.

Naging long-time boyfriend din ni Angelica si Derek Ramsay. Siyempre ang naunang boyfriend niyang si Carlo Aquino ay taga-showbiz din.

Reaksyon naman ng isa sa “Magandang Buhay” hosts na si Karla Estrada, “In God’s perfect time darating iyan. Because God knows your heart, I know you have a good heart. So, imposibleng walang mapupuntang isang taong magmamahal talaga sa iyo.”

Dagdag ng co-host na si Jolina Magdangal, “At siguro kaya mo pinagdaanan ’yung mga masasakit (na pangyayari) kasi mayroon talagang tamang tao na mamahalin ka nang ikaw na ikaw.”

Pahabol pa ng co-host at kaibigan ni Angelica na si Melai Cantiveros, “Yun din ang wish namin sa iyo, na huwag kang mag-alala, huwag kang malungkot, at huwag kang mag-worry dahil ipe-pray natin iyan. Dara-ting talaga iyan sa iyo.”

Samantala, ang mensahe naman ni Angelica kay Pooh: “Ako naman ang message ko sa iyo… hindi ka tatandang mag-isa dahil nandito kaming mga kaibigan mo para sa iyo, habang buhay ’yun.”

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Angelica at Pooh nang magkasama sila sa ABS-CBN gag show na “Banana Split” pitong taon na ang nakararaan. Nagpatuloy ang kanilang friendship hanggang ngayon na “Banana Sundae” na ang kanilang show.
(GLEN SIBONGA)

comments