Home » News » News Roundup » Welder binaril ng amo

Welder binaril ng amo

Sugatan ang isang welder nang siya ay barilin umano ng kanyang amo sa Pasig City noong Martes ng hapon.

Kinilala ng Pasig police ang biktima na si Ruben Dacut, 37, taga-Barangay Maybunga, Pasig, at empleyado ng Gama General Contractor sa C. Raymundo Ave., Barangay Maybunga.

Ayon sa imbestigasyon, humingi ng salary advance ang biktima sa kanyang among si Eduardo Bernabe, 28, ng Barangay Caniogan pero siya ay tinanggihan.

Sumama ang loob ng biktima sa suspek dahil dito at hindi niya sinunod ang utos nito. Nalaman ng suspek na hindi siya sinunod at hinarap ang biktima sa kanilang opisina na nagresulta sa isang alitan.

Bumunot ng baril ang suspek at binaril ang biktima sa paa. Tumakas ang suspek dala-dala ang kanyang baril at dinala ang biktima sa ospital kung saan siya kasalukuyang nagpapagaling. Hinahanap na ng mga pulis ang suspek.

comments