Home » News » News Roundup » 2 lalake sinaksak dahil sa linya ng tubig

2 lalake sinaksak dahil sa linya ng tubig

Patay ang delivery boy samantalang sugatan ang construction worker nang sila ay saksakin ng kainuman dahil sa alitan sa tubig sa Sitio Cabuyao, Barangay Sauyo, Quezon City noong Linggo.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Raymond Contiga, 31, ng Sitio Cabuyao, Barangay Sauyo.

Ayon kay Senior Insp. Elmer Monsalve, hepe ng homicide section ng QCPD-CIDU, nagiinuman ang biktima kasama ang nasugatang si Emil Balucio, 27, ng Novaliches, Quezon City at suspek na si Danny Esco, 46, helper, may asawa, at residente ng Sitio Cabuyao, sa naturang lugar nang magaway sina Contiga at Esco dahil sa linya ng tubig sa kanilang mga bahay.

Inawat ni Balucio ang dalawa pero bumunot ng patalim si Esco at sinaksak siya sa ulo. Nawalan ng malay si Balucio at natauhan pagkaraan ng ilang minuto katabi si Contiga na may mga saksak sa katawan.

Wala na ang suspect sa tabi nila at hinihinalang tumakas. Natagpuan sa crime scene ang dalawang patalim, dalawang improvised scabbard, at violet na t-shirt na may mga bahid ng dugo.

comments