Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 4 tulak ng shabu tiklo sa drug bust

4 tulak ng shabu tiklo sa drug bust

CAMP TOLENTINO, Bataan – Apat na hinihinalang tulak ng shabu ang inaresto matapos na makumpiska sa kanila ang 38 pakete ng ipinagbabawal na droga at isang baril sa isang buy-bust operation kamakailan sa Barangay Townsite, Mariveles, ayon sa report ng Bataan police kahapon.

Kikinilala ni Supt. Crizalde Conde, Mariveles police chief, ang mga nadakip na sina Sonny Padilla, pangalawa sa listahan ng target drug personalities sa of Mariveles; Ariel Tugade, barangay tanod; Marcelino Santos; at Marlon Gonzales.

Nahuli ang apat sa aktong pagbebenta ng R500 halaga ng shabu sa isang pulis na nagsilbing poseur buyer.

Nakuha rin kay Padilla ang 15 pang pakete ng shabu, isang .22-caliber Magnum revolver na kargado ng tatlong bala; habang 22 pakete ng droga ang nakumpiska kina Tugade, Santos at Gonzales.

comments