Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Hindi pagsuot ng underwear namana ni Robin sa ama

Hindi pagsuot ng underwear namana ni Robin sa ama

Robin Padilla

NR as in “no reaction” at NC as in “no comment” si Mariel Rodriguez sa revelation ng hubby niyang si Robin Padilla na naunahan ito ng kanyang Kuya Rommel kay Karla Estrada.

Sinabi ni Robin sa “Gandang Gabi Vice” (GGV) na una niyang nagging kaibigan si Karla kesa sa kanyang Kuya Rommel.

Ipinakilala niya ito sa kanyang Kuya Rommel. Pino-“project” niya sana si Karla, kaya lang ay mas mabilis sa kanya ang kanyang Kuya Rommel. “Inagaw sa akin,” ani Robin.

Siya rin ang unang dumalaw sa hospital noong nanganak si Karla kay Daniel Padilla na si Rommel ang ama. Come to think of it, kung hindi kaya naunahan ni Rommel si Robin kay Karla, kung nagkataon pala’y siya ang tatay ni Daniel.

Ang pinsan nilang si Naldy Padilla ay may anak din kay Karla.

Isa pang revelation tungkol kay Robin ay hindi pala siya nag-a-underwear kapag nasa bahay siya. Naka-T-shirt lang siya, kaya bawal gumala-gala ang kanilang maids of cotton (kasambahay) at baka may makita sila kay Robin, ayon kay Mariel.

Aniya pa, mula’t sapul noong nagkarelasyon sila hanggang naging mag-asawa na sila’y alam na niyang hindi nag-a-underwear si Robin. Sinabi ’yun sa kanya ng hubby niya.

Ayon naman kay Robin, ang yumao nilang ama ang nagpasimuno nu’n na kapag 30 years old na sila pataas ay hindi na sila magsusuot ng underwear. Sa kanilang magkakapatid lang kaya ’yun o pati sa mga kamag-anak nilang lalaki? Sumunod kaya si Daniel sa nakaugalian ng Padilla clan?

Twenty-one years old na siya ngayon at wait nalang kapag thirty years old na si Daniel. Ang mga babaeng Padilla kaya, wala ring underwear kapag 30 years old na sila? Sayang at hindi ’yun naitanong ni Vice Ganda kay Robin. Joke!

Hiya-hiyaan

Kahit second time na silang magkatrabaho sa “Juan Happy Love Story,” hiya-hiyaan pa rin si Heart Evangelista kay Dennis Trillo. Anang Kapuso actress, naninibago kasi siya sa kanyang role na may pagka-naughty at sexy.

Nasanay kasi siya sa pagda-drama, paiyak-iyak, pa-emote-emote sa mga ginawa niyang teleserye. Nag-a-adjust pa siya sa taping ng JHLS, pero masaya at nag-e-enjoy naman siya sa mga naughty at sexy scenes niya, ayon kay Heart.

Hindi naman isyu ’yun sa hubby niyang si Senator Chiz Escudero. Very supportive ito sa kanyang showbiz career at never itong nakialam sa mga desisyon niya. Walang dapat ipagselos o ika-insecure ang kanyang hubby kay Dennis dahil pure work lang ang ginagawa nila. Sobrang understanding ang kanyang hubby at kampante ito sa kanilang relasyon, ayon kay Heart.

Si Dennis naman, kahit wala pa silang diretsang pag-amin ni Jennylyn Mercado na together again sila, hindi na kailangang kulitin pa sila sa estado ng kanilang relasyon. Consistent si Dennis sa pagsasabing, “What you see is what you get.” Anyway, sa May 16 na ang simula ng JHLS sa GMA Telebabad.

Cooking show

About Jennylyn Mercado, habang inihahanda pa ang bago niyang teleserye, abangan ang kanyang cooking show, “Dishkarte of the Day” na hatid ng GMA News TV.

Magbabahagi ang Kapuso actress ng useful kitchen tips at delicious, meat recipes na swak sa budget ng televiewers.

Co-hosts sina Sam YG at Betong Sumaya.

Mag-e-expire

Mag-e-expire sa September this year ang kontrata ni Kristoffer Martin sa GMA Network. Ayon sa kanyang manager, depende sa mapag-uusapan at mapagkakasunduan nila ng network kung magre-renew si Kristoffer.

May mga bagay-bagay na dapat isaalang-alang para sa magiging kalagayan ng career ni Kristoffer sa kanyang home studio. Ayon sa ilang entertainment writers, sana’y mai-push na nang todo ang career ni Kristoffer. Kumpara sa ibang Kapuso stars, may K (karapatan) si Kristoffer na mabigyan ng big break. Isang magandang launching project. Tama!

Sa mga hopia (hoping) at abangers (nag-aabang) na maging together again sina Kristoffer at Joyce Ching, hopia pa more! Very much on pa kasi si Kristoffer and his non-showbiz girlfriend. “Sobrang malambing kasi si girlfriend.

Mahusay mag-alaga kay Kristoffer,” sabi ng isang taong malapit kay Kristoffer.

Minsan nga raw naisama ito ni Kristoffer sa taping ng isang TV show nila ni Joyce, hindi raw ‘yun nagustuhan ni Joyce. Siyempre naman,kahit pa nga matagal na silang break, nakaka-awkward ‘yung ganu’ng sitwasyon.

Just curious, ano kaya’ng feeling ng GF ni Kristoffer sa sweet moments ng kanyang BF at ni Joyce sa “Because of You”? May selos factor kaya?

comments