Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sharon may malaking pasabog

Sharon may malaking pasabog

SHARON Cuneta

MATAGAL ding hindi aktibo si Sharon Cuneta sa pagpo-post ng messages sa kanyang Facebook account. Kinarir niya kasi ang pagpapapayat. Aniya sa isang interbyu, 30 lbs. na ang ibinaba ng kanyang timbang.

Anang megastar, paghahanda niya ’yun sa isang pasabog o malaking sorpresa niya para sa kanyang fans and supporters.

Abang-abang nalang sa announcement tungkol sa malaking proyektong pinaghahandaan ni Sharon.

Busy pa siya sa pagsama sa hubby niyang si Senator Kiko Pangilinan sa pangangampanya. Kasama rin nila ang mga anak nilang sina Frankie, Miel at Miguel.

comments