Home » News » News Roundup » Pulis nahaharap sa kaso

Pulis nahaharap sa kaso

Nahaharap sa kasong attempted murder ang isang pulis pagkatapos umano nitong bugbugin ang isang babae sa Quezon City noong Lunes.

Kinilala ng Quezon City Police District ang suspek na si PO1 Jesrel Pegadrido, 32, nakatalaga sa Manila Police District Station 8.

Ayon sa imbestigasyon, naglalakad ang biktimang si Lorna Fernandez, 36, sa isang eskinita sa Millar Compound, San Pedro 7, Barangay Bartolome, Novaliches, nang masagi niya ang suspek.

Bigla na lamang hinawakan ng suspek ang biktima at sinuntok sa katawan at inuntog ang ulo sa pader. Inawat ng mga residente si Pegadrido na tumakbo papalayo.

Bago ang insidente, nagpapaputok umano ng baril ang suspek na narinig ni Fernandez. Kinumpirma ng isang kapitbahay na si Pegadrido nga ang nagpaputok. Mayroon umanong alitan ang suspect at biktima na iniulat sa barangay.

comments