Home » News » Local » Shaina handa na sa panibagong relasyon

Shaina handa na sa panibagong relasyon

HANDA na raw magkaroon ulit ng love life si Shaina Magdayao ngayong taon. Mismong ang ate niyang si Vina Morales ang nagbisto kay Shaina nang mag-guest silang magkapatid sa “Magandang Buhay” ng ABS-CBN noong May 6.

Matagal na nga raw kinukulit ni Vina si Shaina na magkaroon na ulit ng boyfriend. “Sabi ko nga, niloloko ko siya, ano ba, magmamadre ka na ba? Wala ka pa ring boyfriend. Ano ba naman? Pero you know what, honestly, marami talagang tumatawag sa kanya, nagpaparamdam. But I think that time hindi pa siya ready. Kaya siguro hindi niya nakikita na, ‘Uy, may chance pala ito. May possibility na maging boyfriend,’ parang ganyan. Ngayon siguro, nag-pray na siya.

Ngayon sinabi ni Shaina kay Padre Pio na gusto na raw niyang magka-boyfriend,” pagbubunyag ni Vina.

Paliwanag naman ni Shaina sa rebelasyon ng kanyang ate, “Ready na ako. Kasi feeling ko yung time na iyon ginamit ko muna sa sarili ko. I wanted to fix myself also, and I wanted to spend time with my family, with my friends. So, ngayon pwede na, okay na.”

Samantala, happy naman si Shaina para sa magandang relasyon ni Vina sa French boyfriend nitong si Marc Lambert.

“Finally, thank you, Lord,” ang una ngang nasambit ni Shaina.

Naging kontrobersiyal at masalimuot kasi ang huling relasyon ni Vina. Matagal ding walang love life si Vina dahil mas pinag-ukulan niya ng panahon ang kanyang anak na si Ceana, na ngayon ay 7 years old na. Ayon nga kay Vina, “Naku, umabot din ako ng six years. Medyo ano yun e, it was a struggle for me. I never expected na I’ll find someone na meron ako talagang attraction. And then, naipakilala siya sa akin. You know, it’s just fate. Ipinakilala siya ni Manong Chavit (Singson) kasi magkaibigan sila. Birthday party niya (Chavit), I wasn’t supposed to go because I have taping. Biglang natapos nang maaga yung taping ko, so na-meet ko siya doon (sa party). And then, when we were going out na, nalaman kong we have a photo together noong 2012. So, na-meet ko na pala siya noong 2012.”

Boto ba si Shaina sa boyfriend ngayon ng ate niya? “Oo, mabait e. Mahal niya si Ate, mahal niya yung pamangkin ko, so okay check ka na. Iyon lang naman ang pinakaimportante,” ani Shaina. (GLEN P. SIBONGA)

comments