Home » News » Local » Company exec tumalon sa building, patay

Company exec tumalon sa building, patay

Patay ang isang company official ng tumalon umano ito sa kanyang condominium sa Pasay City noong Sabado ng umaga. Kinilala ng Pasay police ang biktima na si Irene Sharie Francisco, 29, marketing head ng Darlington Philippines na gumagawa ng mga medyas, at residente ng 22nd floor ng La Verti Residences sa Barangay 36, Zone 3.

Ayon kay SPO1 Nestor Rubel, may hawak ng kaso, nasa kanyang unit si Jonathan Gabino sa seventh floor nang makarinig siya ng kalabog galing sa kanyang terrace. Sinilip niya ito at nakita niya ang biktima na nakahandusay sa terrace. Kaagad na iniulat ni Gabino sa building administration at mga pulis ang nangyari. Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang biktima na kaagad nitong kinamatay.

Sinabi ng kaibigan ng biktima na si Emmanuel Ugto na mapagisa si Francisco at hindi nagsasabi ng kanyang problema. Hinala ni Ugto na maaaring sa trabaho ang problema ng biktima dahil nababanggit niyang pagod na siya sa kanyang ginagawa.

Natagpuan ng mga pulis ang mga suicide notes sa kili kili ng biktima na nagsasabing, “I’m dying tonight and there’s nothing I can do about it.” Nakakita ang mga pulis ng malaking butas sa unit ni Gabino na nagpapakitang tumalon ang biktima sa mas mataas na bahagi ng gusali. Nakita ring bahagyang bukas ang pinto sa terrace ng unit ni Francisco.

“Doon siguro siya tumalon sa terrace niya tapos bumagsak sa ika-pitong palapag. Sa ngayon, iniimbestigahan pa namin kung may kinalaman sa trabaho o may mas malalim pa siyang problema bukod dito,” sinabi ni Rubel. Dinala ang bangkay ng biktima sa Rizal Funeral Homes sa Pasay. (Martin A. Sadongdong and Jean Fernando)

comments