Home » News » Local » Joross makes a joke out of his sex video scandal

Joross makes a joke out of his sex video scandal

MARAMI ang bilib sa controversial actor na si Joross Gamboa dahil nagagawa niyang idaan na lang sa biro ang naging video scandal niya.

Imbes nga naman daw magtago siya at manahimik tulad ng ibang actors na may lumabas na video scandal, hinaharap niya ito nang maayos, pero dinadaan pa rin niya sa pakiusap na huwag nalang masyadong pag-usapan dahil may pamilya na siya na kailangang protektahan niya.

“Wala naman tayong magagawa pa tungkol doon. It’s already out there kaya mag-enjoy nalang sila, ’di ba?

“But it doesn’t change anything sa akin bilang tao. I am not just an actor, I’m also a family man. Respect lang for my family ang hiling ko sa media,” ngiti pa ni Joross.

Kasama si Joross sa GMA primetime teleseryeng “Juan Happy Love Story” kung saan gumaganap siya bilang dating manliligaw ni Heart Evangelista na ubod ng yabang at mapapel. Magpapakita rin dito si Joross ng kanyang kapilyuhan.

“Medyo naughty siya and okay lang naman sa ’kin ’yun. Bakit naman hindi?

“Noong sinabi sa kin na makakasama ko si Dennis (Trillo) at si Heart (Evangelista), akalako matinding dramahan ‘yun.

Inisip ko talaga drama!

“Noong sinabing comedy, mas na-excite ako. Mas forte ko ang comedy kasi.

“Yung last teleserye ko was ‘Bridges of Love’ sa ABS-CBN 2. Medyo mabigat ’yon. Kaya okey itong ‘Juan Happy Love Story’ kasi light lang na naughty,” ngiti pa ni Joross.

May ginawang sexy dance number si Joross sa naturang teleserye at pampagana pa lang daw iyon.

“Hindi ’yun ang una’t huli kasi may mga kasunod pa!

“Kahit may mga sexual innuendo kami rito sa teleserye, it’s all for fun at wala kaming ino-offend. Magpapasaya pa nga kami ng mga beki, eh!” sabay tawa pa ng malakas ni Joross Gamboa.

comments