Home » News » News Roundup » Lalaki nagpakamatay sa mall

Lalaki nagpakamatay sa mall

Namatay ang isang lalaki nang tumalon ito mula sa ikalimang palapag ng isang sikat na mall sa Quezon City noong Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, ang biktima – tinatayang 25 hanggang 30 taong gulang, payat, maputi, may tangkad na 5’2”, nakasuot ng pula at puting striped T-shirt, berdeng camouflage short pants, at tsinelas – ay nakatayo malapit sa railing nang bigla itong tumalon at bumagsak sa ground floor.

Nakarinig ng kalabog ang mga guwardiya sa ground floor at nakita ang biktima na nakahandusay. Dinala ang biktima sa Quezon City General Hospital kung saan siya idineklarang patay.

comments