Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Angel walang star complex

Angel walang star complex

Angel LocsinPINURI ng netizens si Angel Locsin dahil pumila ang aktres noong bumoto ito nitong nakaraang election. Sa Commonwealth, QC ang polling precinct ni Angel at maraming homeowners sa kanilang village ang nakasabay niyang bumoto.

May mga nag-post sa kanilang social media accounts na wala raw star complex si Angel at matiyaga itong pumila. Malugod ding nakipag-picture-taking si Angel at sinabi pa raw nitong sa gilid lang sila para hindi sila makatawag-pansin.

Si Kathryn Bernardo na kapareho rin daw ng presinto ni Angel ay feeling star daw. Hindi raw ito pumila at sumingit lang. Wala pa raw five minutes ay tapos nang bumoto si Kathryn. Marami raw homeowners ng village nila ang nagalit kay Kathryn. Binash din siya ng netizens.

Pareho lang sila ni Daniel Padilla na na-bash din dahil hindi rin daw ito pumila noong bumoto sa kanilang presinto. Kasama ni Daniel ang kanyang mama Karla Estrada na na-bash din. (Rowena Agilada)

comments