Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Binatilyo patay sa pagsabog

Binatilyo patay sa pagsabog

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang binatilyo matapos na pasabugan ng bomba ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang electric post na nasa mismong entrance gate ng isang ospital sa Lamitan City bandang 8:30 p.m. nitong Linggo. Ang pagsabog ay nagdulot ng brownout sa buong siyudad.

Ayon sa police report, itinanim ang isang improvised explosive device (IED) sa mismong poste ng Basilan Electric Cooperative na nakatayo sa entrance gate ng Edeborah Yap Hospital, dating Lamitan District Hospital.

Patay sa pagsabog ang bystander na nakilalang si Francisco Jacinto, 16, nakatira sa Barangay Limo-ok, Lamitan City.

Nawalan din ang ilaw sa buong siyudad, dahilan para mag-alala ang mga residente ng posibleng pag-atake ng mga rebelde sa kanilang lugar.

comments