Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Bulacan drug pusher timbog

Bulacan drug pusher timbog

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga – Naaresto ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 (PDEA-3) ang kilabot na drug pusher na nag-ooperate sa Bulacan at mga kalapit ng lalawigan matapos na makumpiska sa kanya ang P70,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Malhacan, Meycauayan City, Bulacan, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni PDEA Region 3 Director Gladys F. Rosales ang inaresto na si Jeffrey V. Jimeneza, 32, nakatira sa Barangay Bangkal, Meycauyan City, Bulacan.

Sinabi ni Rosales na pinosasan agad si Jimeneza matapos na magbenta siya ng shabu sa isang PDEA agent na umaktong buyer bandang alas-7 ng gabi.

Nakumpiska sa suspek ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000 at ang buy-bust money na ginamit sa patibong.

comments