Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Motorbike thief patay sa shootout

Motorbike thief patay sa shootout

CAMP JULIAN OLIVAS, PAMPANGA – Patay ang isang hinihinalang magnanakaw ng motorsiklo nang makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Maimpis, City of San Fernando, Pampanga, nitong Linggo.

Kinilala ni Senior Supt. Jun Recomono, Pampanag Provincial Police Office director, ang napatay na si Michael Tolentino, alyas Balat, nakatira sa Barangay San Jose, City of San Fernando, Pampanga.

Ayon sa police report, namataan ng mga pulis si Tolentino na nakasakay sa isang motorsiklo na walang plaka sa Barangay Sindalan.

Nasa aktong sisitahin ng mga alagad ng batas si Tolentino nang bigla nitong pinaharurot ang motorsiklo. Hinabol ng mga pulis ang suspek hanggang sa ma-corner nila ito sa Barangay Maimpis Road.

“Instead of surrendering, the suspect opened fire at the authorities who chased him. He was killed on the spot during a brief shootout,’’ sabi ni Recomono.

Na-recover sa napatay na suspek ang isang .38-caliber revolver na may apat na bala, isang red Honda TMX 125 motorcycle, na walang plaka. Napag-alaman ng police na ang motorsikong nakuha kay Tolentino ay ninakaw sa tapat ng BDO Bank Walter Mart sa Barangay San Agustin, City of San Fernando, Pampanga.

comments