Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Geoff finds new love

Geoff finds new love

Geoff Eigenmann

KUNG happy together sina Tom Rodriguez at Carla Abellana, ang ex-boyfriend naman niyang si Geoff Eigenmann ay happy rin ang love life. Ang mommy Gina Alajar ni Geoff ang nagsabing may non-showbiz girlfriend ang kanyang anak.

Months ago, natsikang isang aspiring singer na talent din ng management company (PPL) ni Geoff ang bagong nagpapasaya ng kanyang puso. Ano’ng nangyari?

Matagal-tagal nang walang regular show si Geoff sa GMA, kaya may mga nagtatanong kung aalis na nga ba siya sa Kapuso Network? Pinabulaanan ’yun ng kanyang mommy Gina sa mga entertainment writers na nakausap nito sa presscon ng “Magkaibang Mundo.” Ayon kay Ms. Gina, Kapuso pa rin si Geoff at hindi totoong may offer ang ibang network.

Naghihintay lang si Geoff ng project na ibibigay ng GMA.

Samantala, after her last directorial job, “The Half-Sisters,” balik-akting si Ms. Gina at gaganap siya bilang Noreen sa “Magkaibang Mundo.” Gusto raw ng GMA na mabigyan ng kakaibang “look” ang afternoon series. Na-elate naman daw siya. Besides, maganda ang kanyang role, kaya tinanggap niya ang offer. Main kontrabida si Ms. Gina sa MM. “I love it,” aniya. MM premieres on May 23 after “Eat Bulaga.”

comments