Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Thea vs Janine sa paseksihan

Thea vs Janine sa paseksihan

HINDI pa kuntento si Miguel Tanfelix na parati niyang nakikita at kasama si Bianca Umali. Mukhang malakas talaga ang “tama” ni Miguel sa kanyang ka-love team.

Janine and AljurIni-stalk niya si Bianca sa social media accounts. Aniya, nakikita niya kasi ang malaking resemblance ni Bianca sa international model na si Kendall Jener.

“Pareho kasi silang maganda,” sabi ni Miguel. Teka lang, hindi kaya may “tama” rin siya kay Kendall? Paki-explain nga, Miguel.

Paseksihan
Naunang nagpaseksi si Thea Tolentino kay Janine Gutierrez sa “Once Again.” Nag-one-piece swimsuit si Thea sa isang episode na umani ng papuri at paghanga mula sa viewers.

Hindi naman nagpakabog si Janine na nag-short-shorts naman sa isang episode ng “Once Again.”

Request ng viewers na sana raw, mapadalas ang sexy scenes nina Thea at Janine. Sana rin daw, makita naman nilang mag-topless si Aljur Abrenica para makita ang abs niya. Paging writers ng “Once Again. Kaya namang gawan ’yun ng paraan, di ba?

Puna naman ng viewers kay Jeric Gonzales, kahit cutie pie ang rehistro niya sa screen, chubby siyang tingnan. Sana raw kaunting bawas ng timbang para pogi points kay Jeric.

In any case, mamaya sa “Once Again,” susugurin ni Celeste (Thea Tolentino) si Des (Janine Gutierrez) sa restaurant. Sasabunutan at babalaan niya itong layuan si Aldrin (Aljur Abrenica). Sisitahin ni Aldrin si Celeste at makikipag-break. Kahit ano’ng pilit ni Agnes (Sheryl Cruz), ayaw na pirmahan ni Des ang scholarship application.

Tanggap daw
Three months pregnant si Mariel Rodriguez at si Vice Ganda ang kanyang pinaglilihian. Tanggap naman daw ’yun ng hubby niyang si Robin Padilla. Wala naman siyang choice dahil hindi mapipili kung ano o sino ang dapat paglihian ng isang babaeng buntis.

Ayon pa kay Robin, ewan kung seryoso siya o nagbibiro lang na matatanggap din niya kung maging bading ang magiging anak nila ni Mariel.

Ang tanong, matatanggap din kaya ni Robin kung maging ka-look alike ni Vice Ganda ang anak nila ni Mariel? Joke!!! Pangatlong pagbubuntis na ito ni Mariel. Dalawang beses siyang nagka-miscarriage. Itinuturing nilang mag-asawa na milagro ang ikatlong pagbubuntis ni Mariel dahil sinabihan daw sila ng doctor na baka hindi na siya magkaanak.

Ibinuking
Palampasin kaya ni Vice Ganda ang ibinuko ng komedyanteng si Atak na hindi naman siya ang nagbayad ng kabaong worth P1.3 million ng yumaong director na si Wenn Deramas?

Ayon kay Atak, ang ABS-CBN, Viva Films at Star Cinema ang naghati sa gastos.

Sa interbyu kasi kay Vice noong nakaburol si direk Wenn, he claimed na siya ang pumili at nagbayad sa kabaong nito.

Nakausap si Atak ng ilang entertainment writers sa taping ng isang TV show at doon nga ibinuking niya ang tungkol sa kabaong ni direk Wenn. Nabanggit din ni Atak na hindi niya nagustuhan at na-offend siya sa mga pagbibiro sa kanya ni Vice kapag nagkikita sila.

Patulan kaya ni Vice ang mga pahayag ni Atak? O, sabihin niyang baka sumikat lang si Atak kapag pinatulan niya ito? Well… Hindi kaya “bumangon” mula sa kanyang hukay si direk Wenn o multuhin niya sina Vice at Atak na parehong malapit sa kanya noong nabubuhay pa siya?

comments