Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Elmo and Janine still together

Elmo and Janine still together

11janine and elmo copy

SI Noli Fuentebella ang nakalaban ni Imelda Papin sa nakaraang May 9 elections. Hindi matanggap ng Asia’s Sentimental Songstress na tinalo siya nito bilang congressman sa 4th district ng Camarines Sur. Nag-file siya ng election protest.

The same guy rin ang nakalaban ni Aga Muhlach noong kumandidato siya bilang vice governor (or congressman ba?) sa Camarines Sur. Na-lost ang aktor at nag-file siya ng election protest dahil sa diumano’y dinaya siya.

Sadly, walang nangyari sa protesta ni Aga. Maulit kaya ito kay Ms. Imelda? Ayon sa kanyang lawyer na si Atty. Howard Calleja, confident siyang within this year ay mauupo si Ms. Imelda sa kongreso.

Sabi naman ni Ms. Imelda, kung tutuusin, hindi naman niya kailangan ng posisyon sa gobyerno. “Kahit wala ako sa gobyerno’y tumutulong ako. Ang mga kababayan ko lang sa 4th district ng Camarines Sur ang humiling sa akin na labanan ko si Fuentebella. In less than a year, gusto kong matapos ang inihain kong election protest sa House of Representatives Electoral Tribunal,” pahayag ni Ms. Imelda.

Happy heart

So, not true na nagkakalabuan ang BF-GF relationship nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Sa guesting ni Janine sa “Yan ang Morning,” kinumusta ng host na si Marian Rivera ang love life ni Janine. “Masaya!” nakangiting sagot ni Janine.

Guest din si Lotlot de Leon, Janine’s mom na happy rin ang love life sa foreigner boyfriend. Ani Janine, no’ng una’y hindi pa niya masyadong tanggap ang BF ng kanyang mommy. Pero no’ng nakilala niya ito and her siblings nang lubusan, pansin niyang mabait pala ito. Aprub na sa kanilang magkakapatid at suportado nila ang relasyon ng kanilang mommy at ng BF nito.

Samantala, mamaya sa “Once Again,” walang malay at duguan si JV (Jeric Gonzales) dahil sa car accident. Magagalit si Nancy (Timmy Cruz) kay Des (Janine Gutierrez) sa pagbasted nito kay JV. Pakikiusapan ni Madel (Jean Garcia) si Agnes (Sheryl Cruz) na layuan nito si Des na ipagtataka ni Agnes. Papayuhan ni Aldrin (Aljur Abrenica) si Des na huwag munang magpakita kay Nancy hanggang hindi pa okey ang kalagayan ni JV.

Mga laki sa lola

Kung patok si Jose Manalo bilang Juterte, hindi pakakabog si Willie Nepomuceno. Abangan ang guesting niya today sa “Yan ang Morning” bilang Ruterte. Guests din sina Bianca Umali at “Starstruck 6” Avenger na si Jay Arcilla. Pareho silang laki sa lola at makakatsikahan nila ang host ng YAM na si Marian Rivera na isa ring laki sa lola.

Sino kaya ang mas istrikto, si lola o ang susulpot sa kuwento na bago raw president na si “Ruterte”? Tutok lang sa YAM at 10:45 a.m. sa GMA7.

comments