Home » Entertainment » Dating sexy aktres binarat ang bagets na ka-1-night stand

Dating sexy aktres binarat ang bagets na ka-1-night stand

NAGKUWENTO ang ating source tungkol sa sex encounter niya noon sa isang dating sexy aktres na produkto ng isang reality show sa malaking network. Lingid sa kaalaman ng lahat talagang mahilig ito sa mga bagets na lalaki, ’yung bang papasibol pa lang sa kanilang pagkabinata o tiyak na binata na.

Ayon sa ating source, nireto siya noon ng isang bading na radio announcer na minsan na ring lumalabas noon sa TV o sa pelikula. Sa madaling salita may nangyaring “one-night stand” na karaniwang kinahuhumalingan ang dating sexy aktres. Palasak na sa mga tunay nakakakilala sa aktres ang gawi nito maski noon pa.

“Tumataginting” na R500 lang ang ibinayad ng aktres sa kawawang bagets na naka-one-night stand niya. Dismayado siyempre ito lalo na’t isang artista na siya at kumikita na maski papaano. Hindi rin kalugod-lugod na malaki-laking agwat ng kanilang edad.

Ang nangyari’y ipinantaksi na lang pauwi ng bagets ’yung P500 na ibinayad sa kanya. Mula noon daw hindi na siya umulit pa sa aktres na iyon. (Dante ‘Danz’ A. Lagana)

comments