Home » Entertainment » Geisler, Matos tuloy ang sapakan

Geisler, Matos tuloy ang sapakan

Matapos ang kanilang bakbakan sa isang bar sa Quezon City, mauuwi sa isa pang buntalan sina showbiz personalities Baron Geisler at Kiko Matos.

Ito’y matapos i-anunsiyo ng Universal Reality Combat Championship (URCC) ang pagpayag umano ng dalawa na maging isa sa mga top attractions ng kanilang June 25 card sa Palace Pool Club sa Taguig.

“Kiko Matos already got in touch with our new match-maker, Ronald Catunao and said that he will fight Baron Geisler inside the URCC cage on June 25, 2016. Kiko Matos will start training as soon as Baron Geisler confirms as well,” ayon sa Facebook post ng URCC.

Naging viral ang video ng dalawa nang magpang-abot ito sa Tomatokick bar sa Tomas Morato kung saan makikitang sinuntok ni Matos si Geisler na tila naka-akmang kakamayan ang kilalang Indie actor.

Ayon kay Geisler, sinita niya si Matos matapos umanong bastusin nito ang isang bar tender ng lugar.

Sa panig naman ni Matos, kaniyang tinawag umano ang atensyon ni Geisler matapos magpumulit itong kumanta sa stage.

Dito na nagsimulang magsagutan hanggang sa magbanatan ang dalawang actor.

Nakakita naman ng pagkakataon si URCC founder Alvin Aguilar na agad na nag-post ng mensahe sa Facebook na subukan nina Matos at Geisler ang magharap sa isang Mixed Martial Arts bout.

“Baron Geisler just contacted our match-maker over the phone and says that he wants to settle everything with Kiko Matos inside the cage on URCC Fight Night this coming June 25, 2016 at the Palace Pool Club,” ayon pa sa FB post ng URCC.

comments