Home » News » Karpintero ginahasa ang neneng textmate

Karpintero ginahasa ang neneng textmate

Inaresto ng mga kagawad ng Quezon City Police District Station 10 noong Martes ang isang karpintero na gumahasa umano sa kanyang 11 taong gulang na textmate sa Cavite kamakailan.

Ayon kay Supt. Pedro T. Sanchez, QCPD Station 10 commander, magkatextmate ang suspek at biktima at nagkita sila sa Pasig City.

Nagulat ang biktima ng makita ang suspek na inakalang kasing edad niya at sinubukang umalis sa kanilang eyeball.

Pinigilan siya ng suspek at dinala sa kanyang bahay sa Cavite kung saan ginahasa umano ang biktima na residente ng Rizal.

Nagkaroon ng pagkakataon ang biktima na tumakas nang umalis ang suspek sa bahay upang dalawin ang kanyang asawa sa ospital.

Tumakas ang biktima at nagsumbong sa kanyang mga magulang. Nagsumbong sa mga otoridad ang biktima at kanyang mga magulang at naaresto ang suspek sa isang follow-up operation malapit sa ospital. (Francis T. Wakefield)

comments