Home » News » Pumatay sa police officer hunted

Pumatay sa police officer hunted

ILOILO – Nagpalabas ng warrant of arrest ang korte laban sa isang pulis Ilonggo na pumatay sa kanyang superior officer noong nakaraang New Year’s Eve.

Kinumpirma ni Superintendent Roderick Alba, chief ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), na pinirmahan ni Regional Trial Court Judge Victorino Maniba ang arrest warrant laban kay Senior Police Officer 1 Arnold Lizada noong Abril 25, 2016.

Matatandaan na nabril at napatay ni Lizada ang kanyang superior officer na si Police Inspector Christian Lee Nelmida sa loob mismo ng headquarters ng IPPO’s 2nd Maneuver Platoon sa bayan ng Janiuay bandang 9 p.m. ng Disyembre 31, 2015.

Naglunsad ng malawakang paghahanap ang pulisya laban kay Lizada ngunit bigo silang mahuli siya. Umapela rin ang IPPO kay Lizada na sumuko na laman ngunit hindi niya pinakinggan ang panawagan.

Ipinalalagay ng IPPO na mapanganib na tao si Lizada dahil tumakas siyang dala ang isang M16 rifle at Glock pistol na pag-aari ng gobyerno. Kinuha rin niya ang homemade gun na ginamit niya sa pagpatay kay Nelmida. (Tara Yap)

comments