Home » News » Konsehal ng barangay pinaslang

Konsehal ng barangay pinaslang

TIAONG, Quezon – Isang konsehal ng barangay ang pinatay sa saksak ng kanyang kasamahan habang nagtatrabaho sa barangay hall Miyerkules ng gabi sa Barangay Anastacia ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Reynante Casilag Mendoza, 53, habang ang suspek naman ay si Dionisio Masilungan alias Dunie, kapwa residente ng Sitio Centro ng nasabing barangay.

Ayon sa police report, nasa loob ng barangay hall ang biktima bandang 10:55 p.m. nang saksakin siya ng suspek sa kaliwang bahagi ng dibdib gamit ang isang hunting knife. Patay na ang biktima nang idating sa ospital.

Kasalukuyang pinaghahanap ngayon ng mga pulis ang suspek na mabilis tumakas matapos ang insidente. (Danny J. Estacio)

comments