Home » News » Obrero nagpakamatay

Obrero nagpakamatay

Natagpuang patay ang isang construction worker sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City noong Miyerkules.

Kinilala ng Quezon City Police District Station 6 ang biktima na si Jaren Pineda, 25, residente ng Lakas St., Barangay Old Balara.

Natagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang ina na may nakapulupot na nylon cord sa kanyang leeg at nakabitin sa harapang pinto.

Dinala ang biktima sa ospital kung saan siya idineklarang patay. Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng pagpapakamatay umano ng biktima. Hawak na ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit ang kaso.
(Francis T. Wakefield)

comments