Home » Entertainment » Geoff’s new girl is aspiring singer

Geoff’s new girl is aspiring singer

4Geoff Eigenmann  copy

MUKHANG hindi uurungan ni Baron Geisler ang imbitasyon ng Universal Reality Combat Championships (URCC) para sa cage fight nila ni Kiko Matos. Pinaghahandaan ni Baron ang gaganaping laban nila na nakatakdang gawin on June 25 sa Palace Pool Club sa Taguig City.

Ani Baron, may kundisyon lang ang pamunuan ng URCC na kailangang pagbatiin at magkaayos muna sila ni Kiko.

Kailangang mag-usap muna sila, ayon kay Baron sa isang radio interview (“Wow! It’s Showbiz”) sa kanya.

Willing siyang makipag-usap kay Kiko para matuloy ang kanilang cage fight. “Tingnan natin kung sino’ng mananalo sa amin. Mahal ko siya (Kiko), pero bibigwasan ko siya,” sambit ni Baron.

Ayon pa kay Baron, noon pa man ay sumasali na siya sa MMA (Mixed Martial Arts) competition.

Family vacation

Family member na ang turing kay Tom Rodriguez ng pamilya ni Carla Abellana. Kasama siya sa family vacation sa Europe. With them ay ang mommy Rea Reyes ni Carla and her older sister, Erica, kasama ang husband nitong si Red Espiritu.

Nai-post ng mommy at kapatid ni Carla sa kanilang respective social media accounts ang pictures nila kasama si Tom.

Sweet-sweetan sina Tom at Carla and no need na aminin nila na officially together sila.

Nagpunta sila sa Fontana di Trevi, Colloseum, Gelateria la Paloma, Paciotti Salumeria.

Nu’ng nag-guest si Carla sa “Lip Sync Battle” kung saan kalaban niya si Rafael Roselle ay ’andu’n si Tom sa studio bilang suporta sa kanyang girlfriend. Tatanggi pa ba sila sa kanilang relasyon?

Ikinatuwa ng TomCar fans ang kanilang European vacation. Kailan naman daw kaya nila muling mapapanood ang kanilang mga idolo na magkasama sa isang TV project ng GMA7? Abang-abang na lang.

Happy heart din

Kung happy sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa kanilang relasyon, happy rin ang love life ng ex-boyfriend ni Carla na si Geoff Eigenmann. Naka-move on na si Geoff at isang aspiring singer ang nagpapasaya ng puso niya ngayon, si Maya.

Talent din ito ng PPL Entertainment ni Perry Lansigan na management company ni Geoff. Si Maya ang tinukoy ni Gina Alajar (Geoff’s mommy) na girlfriend ng kanyang anak nu’ng nakausap siya ng entertainment writers sa presscon ng “Magkaibang Mundo.”

Matagal-tagal na ring mag-BF-GF (boyfriend-girlfriend) sina Geoff at Maya. Low profile nga lang sila dahil ayaw nilang pagpistahan ng media ang kanilang relasyon.

Si Maya ay kasabayan ni Sarah Geronimo na sumali sa isang singing search kung saan nag-champion si Sarah. Iba pa ang pangalang ginamit noon ni Maya, hindi lang naming matandaan. Nag-join din siya sa isa pang singing search.

Unfortunately, Lotlot de Leon (lost) siya.

comments