Home » News » Motorcycle rider utas sa ambush

Motorcycle rider utas sa ambush

Patay ang isang hindi pa nakikilalang motorcycle driver nang barilin ito ng isang gunman Biyernes ng gabi sa Tondo, Manila.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay nasa edad 40 hanggang 45 anyos, may 5’2” hanggang 5’2” ang height, malaking katawan, katamtaman ang kulay, at nakasuot ng maong, puting T-shirt, at blue helmet.

Sakay ng kaniyang SYM motorcycle na may license plate 6891HW at binabaybay ang J. Luna St. nang harangin ito ng suspek na nakasakay din sa isang Mio motorcycle sa kanto ng Carmen Planas St. Ilang beses pinagbabaril ng suspek ang biktima at matapos nito ay hinablot ang bag na nakasabit sa biktima gamit ang isang gunting.

Ayon kay Senior Police Officer 2 John Charles Duran, 11 tama ng bala ang tumama sa biktima. Sinabi pa ni Duran na walang closed circuit television cameras sa lugar ng krimen ngunit patuloy na ang paghahanap nila ng witness sa pagpapaslang. (Jenny F. Manongdo)

comments