Home » News » Robbery suspect patay

Robbery suspect patay

Isang robbery suspek na bumisita sa kaniyang ama ang pinagbabaril ng tatlong lalaki hanggang sa mamatay ito Biyernes ng gabi sa Navotas City.

Kinilala ang biktima na si Rodenson Gardonio, 25 anyos, walang trabaho at suspek umano sa pagnanakaw ng halagang P300,000 sa isang negosyante noong February 2016 sa Navotas City.

Naglalakad umano ang biktima sa kahabaan ng Asuhos St. sa Barangay North Bay Boulevard nang lapitan ito at agad na pinagbabaril ng tatlong suspek.

Dead on the spot si Gardonio na nagtamo ng apat na tama ng bala sa katawan at isa sa ulo. Ayon sa ama nito na si Rodolfo, bumisita ang kaniyang anak sa kanilang tahanan upang mag-abot ng pera na kanilang panggastos.

Inamin din ng ama ni Gardonio na nagtatago ang kaniyang anak sa Bulacan dahil sa kasong pagnanakaw. Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya upang mahuli ang mga bumaril at pumatay kay Gardonio. (Jel Santos)

comments