Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Kahero utas sa 2 gunmen

Kahero utas sa 2 gunmen

Patay ang isang 56 taong gulang na kahero nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang lalaki sa Pasay City kahapon.

Kinilala ng Pasay police ang biktima na si Virgilio Epil, kahero ng canteen ng Felimarc Pet Center sa Taft Ave., at residente ng Natividad St., Barangay 63, Zone 8, Pasay. Ayon sa isang saksi, nakita niya ang mga suspek malapit sa pet center na gumagala at parang may hinihintay sakay ng isang motorsiklo. Nakita ng mga suspek ang biktima at pinaalis. Nakarinig ng putok ng baril ang saksi at nakita niya ang biktima na nakahandusay sa kalye at duguan.

Narekober ng mga pulis ang mga basyo ng bala sa lugar at masusi nang iniimbestigahan ang kaso. (Martin A. Sadongdong)

comments