Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional News » Pagpatay sa konsehal sinisiyasat

Pagpatay sa konsehal sinisiyasat

BUTUAN CITY – Masusing sinisiyasat ng Agusan del Sur Police Provincial Office (PPO) Special Investigation Task Group (SITG) ang pagpaslang sa isang bagong halal na konsehal ng bayan ng Trento sa Agusan del Sur.

Inaalam ng mga miyembro ng SITG kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Chito V. Mabunga, 42, isang negosyante at bagong miyembro ng Sangguniang Bayan (SB) ng Trento.

Siya rin ang naging municipal chairman and campaign manager ng PDP-Laban party sa naturang bayan. Base sa police report, nakaupo si Mabunga sa harap ng kanyang bahay sa Purok 7, Barangay Poblacion, kasama ang kanyang mga supporters na sina Rey Fuentes Palma, 42, at Alexis C. Arca, 38, para maghapunan bandang 7:45 p.m., Miyerkules nang huminto sa tapat nila ang isang tricycle.

Dalawang lalaking armado ng baril ang bumaba mula sa tricycle at pinaulanan sila ng bala. Patay ang konsehal habang malubhang nasugatan ang dalawang supporters. (Mike U. Crismundo)

comments