Home » News » 2 patay sa motorbike accidents

2 patay sa motorbike accidents

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Dalawang katato ang namatay habang isa ang malubhang nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa motorsiklo sa bayan ng Roxas t Echague, Isabela, nitong Linggo.

Ayon sa pulisya, patay ang isang Patrick Pasiases, 18, matapos na tumilampon sa kanyang motorsiklo na aksidenteng tumama sa steel railings sa tabi ng Barangay San Pedro, Roxas, Isabela.

Ang driver ng tricycle na nakilalang si Christopher Escanillian, 19, ay lubha ring nasugatan at kasalukuyang nagpapagamot sa isang ospital.

Samantala, isang Jireh Morales, 19, student, ang namatay matapos na mabangga ang minamaneho niyang motorsiklo ng isang bus na dala ni Rolando Gajisan sa Barangay Maligaya, Echague, Isabela.

Nakatakdang sampahang ng kaukulang kaso ang driver ng bus, ayon sa pulis. (Freddie G. Lazaro)

comments