Home » News » Baguio drug pusher huli

Baguio drug pusher huli

BAGUIO CITY – Isa na namang miyembro ng sindikato ng droga ang naaresto sa isang bitag na ikinasa ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera at mga pulis sa Bakakeng Central ng lungsod, Martes ng gabi.

Kinilala ni PDEA Regional Director Juvenal Azurin ang nadakip na si Abdul Raffy Zenab Ampaso, alyas Mark Paul at Odin, 24, nakatira sa Lower Quirino Hill, Baguio City.

Nakuha sa suspek ang 3.7671 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P10,000, buy-bust money at mobile phone. Si Ampaso and ika-13 miyembro ng drug group na naaresto sa lungsod sa taong ito, ayon sa pulisya.

Pansamanatalang nakapiit ang suspek sa PDEA-CAR Regional Office holding facility habang inihahanda ng awtoridad ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya. (Zaldy Comanda)

comments