Home » Entertainment » Dennis says okey sila ni Jen

Dennis says okey sila ni Jen

Dennis and Jennylyn

OKEY sila ni Jennylyn Mercado at masaya pa rin sila sa isa’t isa. ’Yan ang sinabi ni Dennis Trillo sa mga nakausap na entertainment writers na nangulit sa totoong estado ng kanilang relasyon.

May tsikang diumano’y break na sila, kahit hindi naman nila diretsang inaming nagkabalikan sila.

Kapag si Dennis ang kausap ng entertainment writers, hindi siya umiiwas pag-usapan ang tungkol sa namamagitan sa kanila ni Jen. Halata sa mga pahayag niya na talagang may “something” between them. Pero si Jen, tipid na tipid magsalita. Paduda effect siya.

Ani Dennis, hindi niya alam kung saan nanggaling ang tsikang hiwalay na sila ni Jen. Hindi naman daw alam ng mga tao ang totoong nangyayari sa kanila. Mga haka-haka lang daw.

Ang katwiran ni Dennis, gusto lang nilang maging pribado kung anu man ang namamagitan sa kanila ni Jen. What you see is what you get pa rin ang kanilang drama.

comments