Home » Entertainment » Ejay, Yam find closure while doing film

Ejay, Yam find closure while doing film

Ejay Falcon

MASAYA si Ejay Falcon dahil tuluyan na silang nagkaayos at nagkaroon ng closure ng ex-girlfriend niyang si Yam Concepcion matapos ang kontrobersiyal na break up nila noong 2013.

Blessing in disguise nga raw ang pagsasama nila sa pelikulang “Magtanggol” sa ilalim ng Felix and Bert Film Productions dahil mas nakapag-usap sila at nagkapaliwanagan. Ito ang unang pagsasama nila sa isang proyekto pagkatapos ng kanilang breakup.

“Parang nagbigay daan itong movie na ito para lalo naming maayos yung mga issue naming dati. At least ngayon Masaya na kami na okay kami,” sabi ni Ejay.

Masasabi nga raw niyang nagkaroon na sila ng closure. “Oo, nagkaroon na kami ng closure. At saka may boyfriend na siya and Masaya naman ako para sa kanya.’’

Dahil nga raw rito’y walang ilangang nangyari sa shooting nila.

Samantala, proud si Ejay na napasama siya sa cast ng “Magtanggol.”

“Noong binabasa ko pa lang yung script naggu-goosebump ako kasi para ito sa mga kababayan nating OFWs e. Masarap sa feeling na sa pamamagitan ng movie na ito maipapakita naming sa lahat ng tao kung ano yung kinalalagyan ng mga OFWs sa ibang bansa, kung ano yung pinagdadaanan nila.

“Napakasuwerte ko na ako yung napili para gampanan iyong role ng Anton Magtanggol.”

Bukod kina Ejay at Yam, kasama rin sa cast sina Tom Rodriguez, Joonee Gamboa, Dina Bonnevie, Albie Casino, Denise Laurel, Kim Domingo at Ricky Davao. Sa direksyon ni Sigfreid Barros Sanchez, ang “Magtanggol” ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula June 8. (Glen P. Sibonga)

comments