Home » Entertainment » Ano’ng sakit ni Claudine?

Ano’ng sakit ni Claudine?

Claudine Barretto

WORRIED ang fans ni Claudine Barretto dahil palaisipan sa kanila kung ano ang tunay niyang sakit. For the past two months, labas-pasok ang aktres sa hospital. Pero hindi naman niya ipinaaalam sa posts niya sa kanyang social media account kung ano talaga ang sakit niya.

Sa latest update ni Claudine, sumailalim siya sa isang medical operation. Sa ipinost niyang photo, ang taba niya.

Ang laki ng kanyang mukha na muntik na naming hindi siya makilala. Ano nga kaya ang sakit ni Claudine?

Kapuso pa rin

Pumirma si Ken Chan ng another two-year contract sa Kapuso Network. Wish niya na isang astig role naman ang ibigay sa kanya after “Destiny Rose” kung saan gumanap siya bilang isang transwoman.

“Gusto ko naman ’yung lalaking-lalaki ang role ko. ’Yung action-drama genre para maipakita ko ang range sa akting,” saad ni Ken. Aniya pa, kung nabubuhay lang ang kanyang mentor cum tatay-tatayang si German “Kuya Germs” Moreno, pihadong matutuwa ito sa magandang nangyayari sa kanyang career.

Ayon sa top executives ng GMA7, pinag-iisipan at pinaghahandaan nilang mabuti ang mga proyektong ibibigay kay Ken.

First time

Excited si Megan Young sa upcoming project niya sa GMA7. First time sasabak sa comedy si Miss World 2013 sa “Conan, My Beautician” kung saan first time rin niyang makakatrabaho ang Bad Boy ng Dancefloor na si Mark Herras.

Ani Megan, never pa siyang nakagawa ng isang comedy show, kaya big thing sa kanya itong sitcom nila ni Mark.

Challenge kay Megan na maipakita ang kakayahan niya sa pagpapatawa. “It’s gonna be exciting, fun. I’m looking forward to it,” she said.

Likewise, challenge rin kay Mark ang magpanggap na bading sa “Conan, My Beautician.” Magpapakabeki siya dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa kanilang buhay. “It’s a nice opportunity. It’s a different role,” ani Mark.

And more

Samahan ang mga bagets na sina Zymic Jaranilla, Migs Cuaderno at Mark Justine Alvarez sa “Yan ang Morning.” Alamin kung bakit klik sa mga bagets na tulad nila ang kainan sa Maginhawa Street sa UP Village, QC. Bakit dinarayo ang “Snacks & Ladders” at bakit pinipilahan ang milkshake sa “The Lost Bread”?

Sa “Once Again,” lalong iinit ang dugo ni Lukas (Joko Diaz) kay Aldrin (Aljur Abrenica) sa pagsumbong ni Celeste (Thea Tolentino). Takang-taka si Jason (Gerald Madrid) na kamukha talaga ni Aldrin si Edgar.

Magpapasama si Des (Janine Gutierrez) kay Daday (Annalyn Barro) sa Talisay para alamin ang tungkol sa charcoal painting. Magkikita sila ni Aldrin sa Tinapayan Festival at magkakagulatan sila.

comments