Home » News » Tanod huli sa drug bust

Tanod huli sa drug bust

CAMP DANGWA,Benguet – Sa selda ang bagsak ng isang barangay tanod matapos siyang mahuli sa aktong nagbebenta ng shabu sa isinigawang patibong ng mga pulis sa bayan ng Dolores, ayon sa report ng Police Regional Office-Cordillera, La Trinidad, Benguet.

Kinilala ni Chief Superintendent Ulysses Abellera, police regional director, ang nadakip na si Jimmy Arce Vinegas, 50, ng Barangay Cabaruan, Dolores, Abra.

Ayon kay Abellera, ikinasa ng mga operatiba ng Abra Police at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency, ang isang buy-bust operation laban sa suspek sa Barangay Talogtog, Dolores, Abra.

Nakumpiska ng mga pulis sa suspek ang isang gramo ng shabu, P1,100 cash, at P12,000 boodle money; isang lighter at Nokia cellphone. Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2002 ang suspek na matagal nang nasa PDEA target list. (Zaldy Comanda)

comments