Home » Entertainment » Julia learns ballet for next serye

Julia learns ballet for next serye

11julia barretto instagram copy

NAG-AARAL pala ngayon ng ballet si Julia Barretto para sa susunod na teleseryeng gagawin niya sa ABS-CBN.

“I’m currently learning how to do ballet for the next soap I’m doing. I’m such a sporty child when I was growing up, hindi ko in-imagine na I would do ballet,” pag-amin ni Julia nang mag-guest siya sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay.”

Nahihirapan nga raw siya sa ballet lessons niya. “Sa ballet, mamatay-matay na ako,” biro niya.

Ang huling teleseryeng ginawa niya ay ang Kapamilya afternoon soap na “And I Love You So,” kung saan nakasama niya sina Miles Ocampo at Iñigo Pascual.

Samantala, nagpaplano na rin pala si Julia na magpagawa ng sarili niyang bahay.

“Right now, I’m planning to build na my own place. And my mom is very supportive of it.”

Ang mommy nga niyang si Marjorie Barretto ang nagturo raw sa kanyang maging responsible at independent kahit noong mas bata pa raw siya. “My mom she never really babied us. I learned so many things at such an early age. As early as 16, I was doing my own errands. I get out of my house, buying the stuffs I need.”

Kaya ngayong 19 na siya ay hindi naman siya nahihirapang mag-adjust at mag-cope sa adulthood. “Responsibility-wise, I think it’s just the same. I didn’t really get shocked kasi nga at such an early age never kaming bine-baby ni mom.

But siguro maturity-wise, yung pagiging wise doon siguro pumapasok yung pagiging adult mo. When you have to deal with your problems on your own, for yourself also.”

Kahit independent-minded si Julia, pinipili niya pa rin daw humingi ng advice sa mommy niya. “I still seek the help of my mom for guidance also. Iba pa rin kasi yung advice na galing kay mom.” (GLEN P. SIBONGA)

comments