Home » Entertainment » Aljur at Vin iniintriga

Aljur at Vin iniintriga

Vin and Aljur Abrenica

HUWAG sanang padala si Aljur Abrenica sa mga nang-iintriga sa kanila ng younger brother niyang si Vin Abrenica. Pinagkukumpara ang magkapatid na acting-wise, mas magaling daw si Vin. Kesyo, malaki diumano ang chance na sumikat nang husto si Vin, lalo na’t nasa rival network na siya ngayon ng GMA7.

Nananatiling Kapuso si Aljur na napapanood sa “Once Again.” Si Vin naman ay may mga nakahanay nang projects na gagawin sa kabilang network. Dati siyang contract star ng TV5. Winner si Vin ng isang artista search. Di nga lang bumongga nang todo ang kanyang career.

Sa paglipat niya ng ibang network, hoping si Vin and his supporters na “aalagwa” na ang kanyang career. Magkalaban man ang networks na pinagtatrabahuhan ng Abrenica brothers, supportive ever pa rin si Aljur kay Vin.

Hindi nga lang maiwasang pagkumparahin sila. Ganyan naman kapag may magkakapatid o magkakamag-anak sa showbiz. Gaya ng Santiago brothers na sina Randy, Rowell at Raymart, Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie at Claudine, Janice at Gelli de Belen, Rodjun at Rayver Cruz, Anne Curtis at Jasmine Smith, Vina Morales at Shaina Magdayao, Gutierrez siblings na sina Ruffa, Richard at Raymond, Padilla clan na sina Robin, Rommel, Rustom (now BB Gandanghari), Daniel at Kylie, magpipinsang Cruz na sina Sheryl, Sunshine, Donna at Geneva, Sotto brothers na sina Tito, Vic, Maru and Val, ang mga Eigenmann na sina Michael de Mesa, the late Mark Gil, Cherie Gil, Sid Lucero, Gabby , Ryan at Geoff, Jaclyn Jose at Andi Eigenmann, Sharon Cuneta at KC Concepcion, Edu at Luis Manzano, and a lot more!

comments