Home » Entertainment » Baron umeksena na naman

Baron umeksena na naman

12baron geisler copy

BEASTMODE na naman ang magaling na aktor na si Baron Geisler nung nakaraang araw sa insidente kinasangkutan sa isang gimikan sa Tomas Morato.

Naipost ang viral video na ito ni Wilbert Brandon N Travis ng dakong 5:32 a.m. na agad humakot ng 423K views at 4,499 shares at maaaring tumaas pa.

Makikita sa video na galit na galit si Baron sa kalsada at sumisigaw sa harap ng gimikang iyon na habang nakaalalay ang isang tila umaawat na bouncer.

May suot na white T-shirt at may vest habang hawak niya ang kanyang blazer na sumisigaw ng “Bakla ka kung sino ka man…p#%%g ina ka!….Macho? bakla ka! Sa video may maririnig na rave sounds at may boses na nagsasabi na upakan mo na nga yan. Inabot ng 1 minute and 22 seconds ang video.

Ayon sa comment ni Travis sa Facebook “sa totoo hindi niya ata kasalanan bigla na naman siyang sinapak sa ulo e..

Ewan ko sabi nun sumapak nang gugulo daw.” Pero may bawi rin siyang comment gaya nito, “Hehe baka naman kasi nangulo din kaya sinapak.” At may comment pa siyang “Kaya, nga parang ’yun talaga gusto nakita ko na lang hinahatak ng bouncer malamang nangulo talaga, meron din siyang sinabi na “Oo nga tsaka lagi na nangyayari so ibig sabihin mali na talaga niya. Pero sa dulo ng mga comments ni Travis Team Geisler pa rin daw siya sa June 25. Sa mga comments binabash na si Baron dahil puro negatibo ang mga sinasabi.

Tila hindi tinatantanan ng gulo si Baron dahil bago ang insidente ay nakabanggaan din niya si Indie actor Kiko Matos noong nakaraang buwan. Kontrobersiya din ang kinahantungan ng pagmumura at aktong pambubugbog ni Baron sa isang estudyante na kumuha sa aktor para sa isang film project ng kanilang eskwelahan.

Ang insidente kay Matos ang naging daan para alukin ng Universal Reality Combat Championship na magtuos sa kanilang June 25 card na gaganapin sa Taguig City.

Kaagad na tinanggap ng dalawa ang naturang hamon kaya naman hindi magkandamayaw ang mga bloodthirsty fans ng mixed martial arts kung kanino sila papanig, Team Baron o Team Kiko?

Samantala, nakausap ng Tempo over the phone ang staff na ayaw magpakilala ng kilalang bar na tinampukang gusot ni Baron Geisler. Ayon sa staff ok na raw wala na raw problema sabi raw ng management nila and they are not supposed to say anything about the incident. If ever man dito nangyari nailabas naman ng bouncer si Baron so labas na kami doon. (Dante ‘Danz’ A. Lagana)

comments