Home » News » Obrero nahulog sa 31st floor

Obrero nahulog sa 31st floor

Isang 30-anyos na pahinante ang nahulog sa construction site sa Binondo, Maynila. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Efren Apostol, residente ng Benavidez St. sa Binondo na sinasabing nahulog sa 31st floor habang inaayos nito ang boom crane dakong alas-sais ng gabi noong Biyernes.

Ayon kay building safety officer Jefferson Borja, nawalan ng balance ang biktima habang inaayos nito ang boom crane. Sinasabing naunang tumama ang ulo ng biktima sa bubungan ng katabing building na naging sanhi ng agad nitong pagkasawi. (Jenny F. Manongdo)

comments