Home » News » 25 kilo ng marijuana nasabat

25 kilo ng marijuana nasabat

SAN GABRIEL, La Union – Nasabat ng mga awtoridad ang 25.1 kilos ng marijuana na nagkakahalaga ng P627,500 habang ibinabiyahe ng dalawang lalaki sa Sitio Pising, Barangay Polipol, sa bayang ito nitong Sabado.

Kinilala ni Senior Supt. Angelito Dumangeng, La Union police director, ang mga nahuling suspek na sina BJ Y. Acuin, 22, residente ng Barangay Tagapo Sta. Rosa City , Laguna; at Paciano James M. Evangelista, 22, nakatira sa Barangay Baybayen, Los Baños, Laguna.

Base sa report ng San Gabriel police, minanmanan nila ang mga suspek mula nang kunin hanggang ibiniyahe nila ang marijuana bandang ika-10 ng umaga. (Erwin G. Beleo)

comments