Home » News » News Roundup » New Roundup » Pabuya laban sa mga drug pushers, alok ni Malapitan

Pabuya laban sa mga drug pushers, alok ni Malapitan

Nagalok ng pabuya si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan kahapon sa sinumang residenteng makakapagbigay impormasyon laban sa mga tulak ng illegal na droga.

“May pabuyang pera para sa makakapagturo sa kinaroroonan ng mga tulak ng ilegal na droga,” ayon kay Malapitan sa isang panayam habang ginugunita ang Araw ng Kalayaan sa Monumento, Caloocan.

“Mas maraming drogang makukumpiska, mas malaki ang pabuya,” idinagdag ni Malapitan. Sinabi ni Malapitan na puwede siyang lapitan ng mga impormante sa Caloocan City Hall o magsumbong sa Caloocan police.

Suportado ni Malapitan ang kampanya ng bagong halal na Pangulong Rodrigo R. Duterte laban sa bawal na gamot.

“We want Caloocan to be drug-free. I will exhaust all efforts to help President-elect Duterte on his drive against illegal drugs.” (Jel Santos)

comments
  • ERWIN

    puede naman gawin noon bakit ngayon lang