Home » News » Tulak ng droga huli sa raid

Tulak ng droga huli sa raid

BUTUAN CITY – Dinakip ng mga pulis ang isang hinihinalang drug pusher matapos na makuha sa kanyang tahanan ang shabu at mga baril sa Purok 4, Barangay San Juan, bayan ng Loreto, Dinagat Ilans, ayon sa ulat kahapon ni Supt. Michael B. Lozada, hepe ng Regional Information Office ng Northeastern Mindanao Regional Office.

Sinabi ni Lozada na naaresto ang suspek na si Chistopher Lungay, alias “Pabo”, nang ipatupad ng mga awtoridad ang search warrants na ipinalabas ni Judge Cesar P. Bordalba ng RTC Branch 30, 10th Judicial Region, Surigao City, sa kanyang lugar.

Nang halughugin ng mga pulis ang tahanan ng suspek, natagpuan nila doon ang shabu, isang .38-caliber Armscor 202 revolver, .38-Smith and Wesson revolver, .45-Colt pistol, mga magazines at bala, at drug paraphernalia, sabi ni Lozada. (Mike U. Crismundo)

comments