Home » News » Obrero nahulog sa kanal, patay

Obrero nahulog sa kanal, patay

SAN FERNANDO CITY, La Union – Patay ang isang 40-taong gulang na obrero nang mahulog sa isang kanal dahil sa kalasingan sa Barangay Dalupminas Oeste ng lungsod, Linggo ng umaga.

Kinilala ni PO1 Rogelio Malag, may hawak ng kaso, ang biktima na si Dave Patrick Valmonte, isang obrero.

Ayon kay Malag, nahulog ang biktima sa kanal na may taas na 2.8 metro at may lawak na .8 metro bandang 11 p.m. matapos makipag-inuman sa isang kaibigan.

Bago naganap ang insidente, inalok pa ni Norlito R. Casugay, 22, ang kaibigang si Valmonte na ihatid siya sa kanyang bahay dahil pasuray-suray na siyang naglalakad sa tabi ng national highway, ngunit tinanggihan ng huli ang kanyang alok na pag-alalay.

Matinding pinsala sa ulo ang ikinamatay ng biktima, ayon kay Chief Inspector Melani Joy Ordoño, Scene of the Crime Operatives investigator. (Erwin G. Beleo)

comments