Home » News » 2 shabu pushers timbog

2 shabu pushers timbog

PILI, Camarines Sur – Dalawang hinihinalang tulak ng shabu ang naaresto ng mga pulis sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Barangay San Agustin dakong 7 pm nitong Lunes.

Kinilala ni Senior Inspector Chito Obardo, police chief, ang mga nadakip na sina Jalal Jam Dimatinay, 19, residente ng Litex, Quezon City; at Michael Amirel ng Tiwi, Albay.

Nakumpiska sa dalawa ang P200,000 halaga ng shabu. Ayon sa police, minanmanan muna ng mga awtoridad ang mga suspek bago sila tuluyang dinakip.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Dimatinay at Amirel. (Ruel Saldico)

comments