Home » Entertainment » Pacquiao boys turn advertisers

Pacquiao boys turn advertisers

Michael and Jimuel Pacquiao

Ready na ang mga binatang anak ni Senator-elect Manny Pacquiao na sina Jimuel at Michael sa kanilang pagiging mga bagong endorsers.

Nitong nakaraang araw ay sunud-sunod ang paglabas sa social media ng mga photos nila Jimuel at Michael na binigyan ng makeover para sa kanilang magiging endorsement.

Isang kilalang clothing brand ang ie-endorse ng Pacquiao brothers kaya naman sobrang proud ang kanilang ina na si Jinkee Pacquiao dahil mga binata na ang mga dating bata na kinakarga niya.

Sa isang exclusive interview kina Jimuel at Michael, nabanggit nila na hindi naman daw sila pinilit ng kanilang mga magulang na pasukin ang pag-endorse ng naturang clothing brand.

Gusto rin daw nila dahil nakikita nilang nage-enjoy ang kanilang magulang bilang mga product endorsers din.

Inamin pa ng pinakapanganay sa Pacquaio kids na si Michael, nakaramdam daw siya ng kaba sa ginawa niyang pictorial para sa endorsements niya sa isang sikat na clothing brand at isang spa business.

“Kinabahan po nang kaunti,” ngiti pa ni Michael.

Sabi naman ni Jimuel ay hindi raw sila gaano naghanda.

“Nag-prepare lang kami siguro sa hair, nagpagupit lang.”

Marami nga ang nagulat sa naging transformation ng Pacquiao brothers. Mula sa pagiging awkward na teenagers ay naging mga fashionista na sila at lalong lumabas ang pagiging guwapo sa bago nilang gupit.

Bilang ina ay sobrang masaya si Jinkee sa blessings na dumating sa kanyang dalawang boys.

Hindi nga maiwasan ni Jinkee na maging emotional dahil nag-flashback sa kanya noong mga bata pa sina Michael at Jimuel ay struggling boxer pa lang ang ama nilang si Manny Pacquiao.

Ngayon ay isa na itong world-renowned boxer at ngayon ay uupo pa sa Senate.

“Hindi ko naisip na mag-blame sa kanya (God) kung bakit nangyari ang mga problema sa buhay ko. Mas nagpapasalamat pa ako ngayon,” pagtapos pa ni Jinkee Pacquiao. (Ruel J. Mendoza)

comments