Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 2 patay sa motorcycle crash

2 patay sa motorcycle crash

SAN JUAN, Ilocos Sur – Dalawang katao ang patay habang isa ang nasa malubhang kalagayan nang matumba sa daan ang kani-lang sinasakyang motorsiklo sa pakurbang bahagi ng daan sa Barangay Dardarat, San Juan, Ilocos Sur, nitong Martes.

Kinilala ni Chief Inspector Greg Guerrero, tagapagsalita ng Ilocos Sur police provincial office, ang mga nasawi na sina Genaro Tapuro, 32, motorcycle driver; at Leonardo Polar, 34, mechanic, kapwa residente ng Barangay Santa Cruz, Santo Domingo, Ilocos Sur.

Isinugod naman sa ospital ang sugatang biktima na si Joel Olivas.

Base sa police report, natumba ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima matapos na mabangga nila ang isang malaking bato sa daan dakong 9:30 gabi ng Martes. Namatay noon din sina Tapuro at Polar dahil sa matinding pinsala sa katawan. (Freddie G. Lazaro)

comments