Home » News » News Roundup » Lalaki inutas sa Parañaque

Lalaki inutas sa Parañaque

Patay ang isang lalaki pagkatapos pagbabarilin sa Parañaque City noong Martes. Nangyari ang insidente sa Ninoy Aquino Ave., Barangay La Huerta ng 8 p.m.

Ang biktima ay may suot na asul na shirt, pajama, at sumbrero nang ito ay matagpuan. Ayon sa salaysay ng mga residente sa mga pulis, nakarinig sila ng magkakasunod na putok na inakala nilang sumabog na gulong ng sasakyan.

Lumabas sila at nakita nila ang biktima na nakahandusay sa kalye at duguan. Kaagad na iniulat ng mga residente ang insidente sa mga otoridad. Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa likod ang biktima na hinihinalang taga-ibang lugar.

Narekober malapit sa bangkay ng biktima ang tatlong basto ng bala ng 9mm at caliber .45. Masusing iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente. (Martin A. Sadongdong)

comments