Home » News » News Roundup » Salvage victim natagpuan

Salvage victim natagpuan

Natagpuan ang katawan ng isang lalaking hinihinalang biktima ng salvage o summary execution sa Las Piñas City kahapon.

Ayon kay Senior Insp. Romeo Britanico, hepe ng Las Piñas police Station Investigation and Detective Management Branch, natagpuan ang bangkay sa isang madamong bahagi sa kahabaan ng Aguilar Ave., Barangay CAA.

Ang biktima ay tinatayang 20 hanggang 25 taong gulang, may tangkad na 5’ hanggang 5’2”, nakasuot ng sumbrero, puting shirt, at denim short, at may tattoo ng letrang B at S sa kanang balikat.

Nakabalot ng duct tape ang mukha at nakatali ng duct tape ang kamay ng biktima at may nakapatong na cardboard sa katawan ng biktima at nakasulat ang mensaheng “Wag nyo ako tularan.

Magnanakaw ako” nang ito ay matagpuan. Isang babae ang pumunta sa mga pulis at nagpakilalang kapatid ng biktima. Kinilala ng babae ang biktima na si Jun Cruz na ayon sa kanya ay nakulong dahil sa kasong robbery.

Nangangamba si Nerissa na magiging biktima din ng salvage ang isa niyang kapatid na si Jethro na may kaso ding robbery. (Jean Fernando)

comments