Home » News » News Roundup » Babae binaril sa park

Babae binaril sa park

Natagpuang patay at may tama ng bala sa ulo ang isang babae sa Paco, Manila kahapon. Ang biktima ay tinatayang 23 hanggang 28 taong gulang, may tangkad na 4’9” hanggang 5’1”, may mahaba at blonde na buhok, chubby, katamtaman ang kulay, may braces ang ngipin, at nakasuot ng pula at puting striped sleeveless shirt, shorts, at tsinelas.

Ayon sa Manila Police District, natutulog ang pedicab driver na si George Tayao, 28, nang magising siya dahil tumitili ang kanyang asawa.

Pinuntahan ni Tayao ang asawa at nakita niya ang katawan ng biktima na nakahandusay sa Paco Park. Kaagad na iniulat ni Tayao ang kanilang nakita sa mga pulis.

Sinabi ni Tayao sa mga pulis na wala siyang narinig na putok ng baril dahil maingay ang lugar dulot ng ginagawang kalye. Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Rich Funeral Parlor.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente. (Jenny F. Manongdo)

comments